National News
Climate Change Commission at PBBM supporters, nagtulungan sa coastal clean-up sa Agno, Pangasinan
Nagkaisa ang Phil. Climate Change Commission, JA1 ECOWARRIOR at Brotherhood of Brave Maharlikans sa paglilinis sa coastal area ng Agno, Pangasinan.
Ayon kay CCC. Comm. Albert dela Cruz, magkakaroon sila ng serye na mga coastal clean-up sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ang naturang aktibidad ay bilang tugon nila sa naging pahayag ni Pres. Bongbong Marcos sa kanyang inaugural speech na pumapangatlo ang Pilipinas sa kontribyutor sa ‘Ocean Waste Plastic Pollution’.
Pagkatapos ng coastal clean-up ay isang tree planting activity.
“Aside from Coastal clean-up, there will be tree planting activity. And the most important one is the community immersion of the Ecowarrior volunteers in the community where both parties will learn from each other,” saad pa ni CCC Comm. Dela Cruz.
