National News
Cloud seeding operations, pinaghahandaan ng DA
Pinaghahandaan ng Department of Agriculture (DA) ang cloud seeding operations sa Bulacan at Pampanga.
Ito ay para madagdagan ang lalo pang bumababang lebel ng tubig sa Angat Dam na nagsusuplay sa 90% ng Metro Manila.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, anomang oras ay sisimulan nila ang cloud seeding operations sa mga lugar na hindi gaanong nauulanan.
Naniniwala din ito na malaki ang maitutulong ng operasyon para madagdagan ang tubig sa Angat Dam.
Sa ngayon ay nasa 185.28 meters na ang lebel ng tubig mataaas pa mula sa critical level nito ngunit hindi pa rin ito sapat para sa suplay ngayong taon.
Samantala, maliban sa Angat Dam ay bumaba na rin ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam, Ipo, Ambuklao at Binga Dam.
Ulat ni Glenda Ramos