National News
CNN Philippines, pansamantalang ititigil ang kanilang broadcast
Pansamantalang mag-o-off air ng 24 oras ang CNN Philippines.
Ito ay matapos magpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang isang empleyado sa Worldwide Corporate Center sa kahabaan ng Shaw Boulevard sa Mandaluyong City kung saan ang lokasyon ng CNN Ph.
Dahil dito, sinabi ng CNN Ph na magsasagawa ng disinfection sa gusali sa lalong madaling panahon na dahilan ng kanilang pansamantalang pag-off air.
Tiniyak naman ng media company na magpapatuloy ang kanilang paghahatid ng balita at impormasyon sa pamamagitan ng kanilang website at social media pages.