National News
College student na wanted sa Pangasinan, timbog ng CIDG
Arestado ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang 25 taong gulang na college student na wanted dahil sa 3 counts ng statutory rape.
Kinilala ni PNP CIDG Director Police Brigadier General Romeo Caramat Jr. ang akusado na si Frederick Garcia Cantillo, top 10 most wanted person sa Pangasinan.
Si Cantillo ay nahuli matapos ang ikinasang manhunt operation ng pulisya sa Barangay Magsaysay, Agno, Pangasinan.
Nahaharap si Cantillo sa 3 counts ng statutory rape at paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Agad na dinala ang akusado sa tanggapan ng CIDG sa Alaminos City, Pangasinan para sa proper disposition at documentation.
