Connect with us

COMELEC, all set na para sa isasagawang plebisito sa Maguindanao bukas

Nuisance candidates, nais ipakulong ng COMELEC

Regional

COMELEC, all set na para sa isasagawang plebisito sa Maguindanao bukas

All set na ang Commission on Elections (COMELEC) para sa isasagawang plebisito sa Maguindanao bukas, Setyembre 17, 2022.

Sa isang panayam, sinabi ni COMELEC acting Spokesperson Rex Laudiangco na 818,790 rehistradong botante ang inaasahang boboto sa 467 voting centers sa 1,669 clustered precincts para sa plebesito.

Ayon kay Laudiangco, mayroong sapat na mga guro na magsisilbi bilang plebiscite committee members at mayroon ding mga police personnel na naka-standby para palitan ang mga ito kung sakaling may lumiban.

Titiyakin naman aniya ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang seguridad ng pagsasagawa ng plebisito.

Ang mga botante ay boboto ng “yes” o “no” kung pabor ba sila o hindi na hatiin ang Mindanao sa dalawang lalawigan ng Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.

More in Regional

Latest News

To Top