National News
COMELEC Comm. Guanzon, nais gumawa ng eksena bago magretiro – Marcoleta
Nais ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon na makagawa ng eksena bago magretiro bukas, February 2.
Ito ang paniniwala ni deputy speaker at senatorial aspirant Rep. Rodante Marcoleta.
Kaugnay ito sa pagpabor ni Guanzon na madiskwalipika si presidential aspirant Bongbong Marcos.
Nilinaw lang ni Marcoleta sa panayam ng Sonshine Radio na hindi niya alam kung ano ang posibleng motibo ni Guanzon sa paggawa nito.
Ayon kay Marcoleta, mas mabuti sana kung maging neutral lang si Guanzon hinggil sa isyu anuman ang partido niya dahil nasa COMELEC siya at may batas sa collegiality.
Ibinahagi na rin ng congressman na maraming basehan para madisiplina si Guanzon ng Korte Suprema sakaling hindi siya ma-disbar.