Connect with us

COMELEC Comm’r Garcia, nanawagan sa NBI na ilabas agad ang resulta ng imbestigasyon hinggil sa ‘security breach’

COMELEC Commissioner, inisa-isa ang mga dapat bantayan ng mga election stakeholder

National News

COMELEC Comm’r Garcia, nanawagan sa NBI na ilabas agad ang resulta ng imbestigasyon hinggil sa ‘security breach’

Nanawagan si Commission on Elections (COMELEC) Commissioner George Garcia sa National Bureau of Investigation (NBI) na ilabas na ang hinihinalang security breach ng Smartmatic Automated Election System sa lalong madaling panahon.

Dagdag pa ni Garcia, naghihintay na ang COMELEC ng resulta ng imbestigasyon upang mabigyan na nila ng impormasyon ang publiko at gumawa ng tamang aksyon bago ang May 9 General Elections.

Sa kabila nito, tinitiyak ng COMELEC na secure ang automated election system.

Binigyang diin ni Garcia na kailangan talagang maghanda ng COMELEC ng back-up para sa anumang sitwasyon na mangyayari.

Una nang inihayag ni Senator Imee Marcos, chairperson ng Senate Committee on Electoral Reforms na mapanganib ang ginawa ng isang Smartmatic personnel sa pagkuha ng mga personal na impormasyon ng COMELEC.

More in National News

Latest News

To Top