National News
Comelec, ‘di na papayag sa candidate substitution, withdrawal
Napagdesisyunan ng Commission On Elections (COMELEC) na hindi na pahihintulutan ang candidate substitution pagkatapos ng 1 linggong filing ng Certificate Of Candidacy (COC).
Ang filing ng COC ay gaganapin sa October 1 – 8, 2024 para sa mga nagnanais na tumakbo sa 2025 midterm polls.
Ibig sabihin, kung mag-withdraw o maghain ng substitution sa October 9 at sa susunod pa na mga araw ay hindi na ito tatanggapin pa ng Comelec.
Sa pahayag ni Comelec Spokesperson Rex Laudiangco, pagbibigyan naman ang substitution kung namatay o nadiskwalipika ang unang naghain ng kandidatura bastat magka-apelyido at magka-partido ito.
