Connect with us

COMELEC, handa na sa laban kontra ‘modern vote-buying’ sa BSKE 2023

COMELEC, handa na sa laban kontra ‘modern vote-buying’ sa BSKE 2023

National News

COMELEC, handa na sa laban kontra ‘modern vote-buying’ sa BSKE 2023

Handa nang tugunan ng Commission on Elections (COMELEC) ang ‘modern vote buying’ na tiyak na mangyayari sa nalalapit na Barangay at SK Elections (BSKE) sa Oktubre 30.

Sa pagtalakay ng Kamara sa 2024 proposed budget ng komisyon, sinabi ni Chairman George Garcia na katuwang ng COMELEC ang Anti-Money Laundering Council at Bangko Sentral ng Pilipinas para dito.

Partikular na tinukoy ni Garcia na posibleng kaso ng modern vote-buying ang pamamahagi ng pera sa pamamagitan ng GCash at PayMaya.

Kaugnay nito, nilinaw ng COMELEC chair na ang isang indibidwal na magpapadala ng halagang P500 – P1-K sa 20 – 200 katao ay maituturing nang sangkot sa vote-buying.

Paliwanag pa ni Garcia, maaari na ngayong maghain ng kaso ng vote-buying ang mismong tanggapan COMELEC at hindi na kailangang maghintay ng ibang tao o grupo na maghain ng kaso bago sila makagawa ng aksyon.

More in National News

Latest News

To Top