Connect with us

COMELEC, i-iimbentaryo ang mga mababaklas na illegal campaign materials

illegal campaign

Metro News

COMELEC, i-iimbentaryo ang mga mababaklas na illegal campaign materials

Nakatakdang iimbentaryo ng Commission on Election ang mga makukuhang illegal campaign paraphernalia sa pagsisimula ng operation baklas ngayong araw.

Sa panayam ng SMNI News at DZAR Sonshine Radio kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, sinabi nito na kanilang itatago ang lahat ng kanilang mababaklas na tarpaulin at posters.

Ito ay para magamit bilang ebidensya sa mga tumatakbong kandidato pagdating ng panahon kung kailangan silang kasuhan.

Kaugnay nito, nanawagan rin si Guanzon sa Department Of Health na ipagbawal ang paglalagay ng campaign posters sa mga malasakit center at mga clinic.

Pinalalahanan rin ni Guanzon ang mga barangay captain na mahigpit na ipinagbabawal ang paglalagay ng posters sa mga barangay hall at pagkampanya sa mga kandidato.

Maaari aniyang makulong at maalis sa pwesto ang mga opisyal sakaling makakuha ng sapat na ebidensya laban sa mga ito.

Samantala, nananawagan naman si Guanzon sa publiko na isumbong sa kanila ang mga pasaway na kandidato na patuloy na lumalabag sa election rules.

 

DZARNews

More in Metro News

Latest News

To Top