National News
Comelec, inaasahang makalipat sa sariling building sa 2028
Inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) na makalipat na sila sa kanilang sariling building sa taong 2028.
Nitong Lunes, Setyembre 1 ay isinagawa na ang groundbreaking ceremony para sa kanilang magiging 9-story Comelec central office sa isang tatlong ektaryang lupa sa Central Business Park I-A, malapit sa Baclaran Church.
Nabili ang lupa noong 2012 sa halagang P1B.
Kung tuluyan nang maitayo ay hindi na magrerenta pa ang Comelec sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Manila matapos ang mahigit 80 taon.