Connect with us

COMELEC, ipinauubaya sa kamara ang maiiwang distrito ni Boying Remulla

Nilinaw ng comission on elections na nasa Kamara ang disisyon kung ano ang gagawin sa maiiwang distrito ni Congressman Boying Remulla.

National News

COMELEC, ipinauubaya sa kamara ang maiiwang distrito ni Boying Remulla

Nilinaw ng Comission on Elections (COMELEC) na nasa Kamara ang disisyon kung ano ang gagawin sa maiiwang distrito ni Cavite 7th District Rep. Jesus Crispin “Boying” Remulla.

Ito ang pahayag ni COMELEC Commissioner George Garcia matapos tinanggap ni Remulla ang alok na posisyon ng BBM administration bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ).

“In this case, dalawa ang mangyayari jan, either mag-special election. But the COMELEC cannot conduct a special election unless there is a law calling for a special election to fill up the vacancy,” ani Garcia.

Bukod sa special elections, maari ding magtalaga ng isang caretaker government ang Kamara mula sa kalapit na distrito para sa nabakanteng posisyon.

Ipinunto din ni Garcia na hindi pwede na dalawang posisyon ang hahawakan ni Remulla dahil ito ay paglabag sa konstitusyon kaugnay sa tinatawag na separation of powers sa pagitan ng legislative at executive branch ng pamahalaan.

Sinabi ng Commission on Elections (COMELEC) na nakahanda itong magsagawa ng special elections para sa posisyon ni Rep. Boying Remulla sa oras na maupo ito sa trabaho bilang kalihim ng DOJ sa susunod na administrasyon.

More in National News

Latest News

To Top