National News
Comelec, itutuloy ang reklamo vs Mayor Alice Guo
Itutuloy ng Commission on Elections (Comelec) ang reklamo nito laban kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ito ay sa kabila ng dismissal order na inilabas ng Office of the Ombudsman laban kay Guo dahil sa reklamong grave misconduct.
Kamakailan lang ay inaprubahan ng Comelec en banc ang rekomendasyon na maghain ng motu propio complaint dahil sa material misrepresentation laban sa mayora.
Matatandaan na isinasangkot si Guo sa ni-raid na Philippine Offshore Gaming Operators o POGO hub sa Bamban.
Nahaharap din si Guo sa reklamong human trafficking sa Department of Justice bagama’t humiling na ang kampo ni Guo na ibasura ito dahil sa kabiguang patunayan ang kanyang partisipasyon dito.