Connect with us

COMELEC main bldg., nasunog; mga datos sa voter registration, hindi apektado – spox

COMELEC main bldg., nasunog; mga datos sa voter registration, hindi apektado - spox

Uncategorized

COMELEC main bldg., nasunog; mga datos sa voter registration, hindi apektado – spox

6:48 kagabi, araw ng Linggo, ng nadiskubre ng mga empleyado ng Commission on Elections (COMELEC) mula sa Information Technology Department  na nasusunog ang kanilang opisina.

6:53 ng gabi nang inaakyat ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog sa first alarm.

Agad namang nakadeploy ng firetrucks, asset, at mga bombero ang BFP

7:02 ng gabi ng inakyat sa second alarm ang sunog at dakong 8:16 ng idineklarang fired out na ang sitwasyon.

“They immediately alerted the COMELEC organic security force on duty, who promptly made an all points broadcast of the incident, paving the way for the immediate report of the fire incident to the bureau of fire protection Intramuros station,” ani Atty. Rex Laudiangco, COMELEC spox.

Sa pahayag ni COMELEC acting Spokesperson Rex Laudianco, sinabi nito na walang empleyado ang nasugatan o namatay dahil sa sunog dahil agad na nakapagevacuate ang mga ito.

“All ITD personnel on duty have been safely evacuated, and together with all duty guards, electricians and other general services personnel of the COMELEC, including Palacio del Gobernador security and maintenance personnel, are all accounted for,” dagdag pa nito.

Naganap lang din aniya ang sunog sa reception area ng ITD sa 7th floor at minimal lang aniya ang damage sa properties at kanilang mga kagamitan.

Dadgag pa ni Laudiangco, ang lahat ng comelec servers at vaults na nakalocate sa ITD kasama ang mga equipment at mga dokumento sa lahat ng opisina ay ligtas mula sa nangyaring sunog.

Safe din aniya ang mga election results noong nakaraang halalan.

Tiniyak din ng COMELEC, na ang lahat ng datos sa voter registration ay nakasecure, safe at hindi naapektuhan ng sunog.

“Similarly, voter’s registration data are safe, secure, intact and unaffected at another secured vault, with the back-up at a secured off-site location dedicated for the purpose. Given the limited area directly affected by the fire, other digital and physical files, administrative, operational or judicial are all safe, secure, intact and unaffected,” dagdag pa ng COMELEC spox.

At habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang BFP kaugnay ng insidente, ang lahat ng empleyado na nakabase sa Palacio del Gobernador ay nakawork from home status muna ngayong araw ng Lunes. Aug. 01, 2022.

 

More in Uncategorized

Latest News

To Top