Connect with us

COMELEC, masasabing maganda ang kabuoang takbo ngayong 2022 Elections

Pagsumite ng SOCE ng mga kandidato, hanggang July 8 na lang – COMELEC

National News

COMELEC, masasabing maganda ang kabuoang takbo ngayong 2022 Elections

Naging maganda ang kabuoang takbo ng 2022 Elections ayon sa Commission on Elections (COMELEC).

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia sa panayam ng Sonshine Radio, ito’y dahil walang reklamo ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), NAMFREL o kaya’y OCTA research nitong halalan.

Sa kabila ito ng kaunting mga nangyayaring insidente dahil agad rin naman itong naresolba.

“Nagpapasalamat po tayo sa kanilang pag-appreciate ng ating pong ginawang pagod at paghihirap sa mga trabahador, empleyado po ng Commission on Elections at lahat po ng tumulong sa atin. At siyempre, nagpapasalamat din po tayo sa NAMFREL, PPCRV, pati po ang OCTA RESEARCH at iba pang mga institusyon na nagsabi na wala po silang nakita na kahit na anong ireguralidad o anomalya dito po sa ginawa nating halalan. Alam niyo po, kung merong dapat na magri-raise ng alarm, ‘yan po ‘yung matataas na kredibilidad na institusyon katulad ng NAMFREL at PPCRV,” ani Garcia.

 Kasunod ang naturang komento ni Commissioner Garcia nang sabihin ng Estados Unidos at US Embassy sa Pilipinas na gumaganda at humahabol na sa international standard ang eleksyon ng bansa.

Samantala, sisiguraduhin ng COMELEC na magiging payapa at smooth ang takbo ng special election ng 14 apat na barangay sa Lanao del Sur matapos itong magkaroon ng failure of election.

More in National News

Latest News

To Top