Connect with us

COMELEC, may babala sa mga kandidatong hindi makakapagsumite ng SOCE

COMELEC Director Rex Laudiangco, mananatili bilang tagapagsalita ng poll body

National News

COMELEC, may babala sa mga kandidatong hindi makakapagsumite ng SOCE

Nagbabala ngayon ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga non- compliant na kandidato o pulitiko sa pagsusumite ng kanilang SOCE o Statements of Contribution and Expenditures.

Sinabi ng COMELEC acting Spokesperson Dir. Rex Laudiangco na sa ika-8 ng Hunyo ang deadline para sa submission ng kanilang mga SOCE.

“Wag po ninyong balakin na doktorin o dayain kasi po ini-examine po ng aming campaign finance office ‘yun pong mga resibo na pinaggastusan ng inyong SOCE. Second, ‘yun pong mga resibo lalo na po sa inyong mga adds, ay sina-submit din po sa amin. So that is why we are able to verify. ‘Yun pong statements ninyo sa SOCE at yung actual na expenditures, nakikita po at ini-examine ng campaign finance office,” ani Laudiangco.

Ayon kay Laudiangco, huwag mangdo-doktor ng SOCE kung ayaw nilang makasuhan ng perjury at iba pang kasong kriminal.

Samantala, sinabi naman ng COMELEC na all set na ang mga ito sa special election na gagawin sa Lanao del Sur sa May 24.

More in National News

Latest News

To Top