Connect with us

Comelec, may ipinapakonsidera sa ruling ng Korte Suprema hinggil sa Smartmatic

Comelec, may ipinapakonsidera sa ruling ng Korte Suprema hinggil sa Smartmatic

National News

Comelec, may ipinapakonsidera sa ruling ng Korte Suprema hinggil sa Smartmatic

Ipinapakonsidera ng Commission on Elections (Comelec) ang desisyon ng Korte Suprema sa ruling nito na mayroon silang “grave abuse of discretion” nang idiskwalipika ang Smartmatic bago pa ito makapagsumite ng bid para sa 2025 elections.

Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, maghahain sila ng motion for reconsideration para dito.

Bagamat may ganitong ruling ang Korte Suprema, hindi naman nito ipinawalang-bisa ang kontrata ng Comelec sa pagitan ng Miru Systems ng South Korea.

Itoy para hindi na matagalan pa ang preparasyon ng poll body para sa midterm elections sa susunod na taon.

Sinabi lang ng korte na sa susunod pang bidding ay dapat maisama na muli ang Smartmatic.

Noong November 2023, ay diniskwalipika ng Comelec ang Smartmatic dahil sa alegasyong bribery laban kay dating Comelec Chair Andy Bautista upang maibigay sa kanila ang award ng kontrata sa election machines.

More in National News

Latest News

To Top