National News
Comelec, nababahala sa nalalapit na plebisito ng BOL sa Mindanao
NABABAHALA ang Commission on Elections (Comelec) sa nalalapit na plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL).
Dahil sa nangyaring pagsabog sa Cotabato City noong bisperas ng Bagong Taon.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, nangangamba sila para sa gaganaping plebisto matapos ang pangyayari kung saan dalawa katao ang namatay.
Sa kabila nito, tiniyak ni Jimenez ang seguridad matapos atasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang militar at pulisya na tumulong sa Comelec.
Para sa gaganaping plebesito Enero 21 at Pebrero 6, at maging sa midterm election sa Mayo.
Una nang inirekomenda ng mga lokal na opisyal na isailalim sa Comelec control ang lungsod.
Matapos ang pagsabog subalit wala pang desisyon ang poll body kaugnay nito.
