Connect with us

COMELEC, nagdeklara ng ‘failure of elections’ sa 14 baranggay sa Lanao del Sur

COMELEC, nagdeklara ng 'failure of elections' sa 14 baranggay sa Lanao del Sur

National News

COMELEC, nagdeklara ng ‘failure of elections’ sa 14 baranggay sa Lanao del Sur

Nakatakdang magsagawa ng special elections sa iilang barangay sa Lanao del Sur.

Sa isang memorandum mula sa Comission on Elections (COMELEC), nakasaad na una nang nag deklara ng failure of elections noong May 10 sa 14 apat na baranggay sa munisipalidad ng Butig, Binadayan at Tubaran.

Nakasaad sa memo ng COMELEC na kabilang sa nangyaring insidente sa nasabing lugar ang pagnakaw ng mga balota,  pagkakasaksak ng isang police habang pinoprotektahan ang mga vote counting machine, pagkasira ng ilang VCM at offical ballots, tensyon at pananakot.

Sa isang resolution, inirekomenda ng mga opisyal ng COMELEC na magkaroon ng special election sa May 15 para sa munisipyo ng Butig at Binidayan, habang May 12 naman sa Tubaran.

“Ganito po no, ‘yung failure of elections po kasi, as you could see, it will involve all of the positions. Dahil nga failure of elections. Under sec, 6 ‘yan ng omnibus election code. Meaning no elections were held in that particular precinct, wala talaga,” ani Atty. Rex Laudiangco, acting COMELEC spokesperson.

Sa kasalukuyan ay patuloy pang inaaasess ng COMELEC kung ilan ang nakaboto sa mga nasabing lugar upang paghandaan ang pag-imprinta ng mga kinakailangang balota.

Sa kabila nito, siniguro ng comelec na hindi makakapekto ang pangyayari sa gagawing proklamasyon sa national level.

More in National News

Latest News

To Top