Connect with us

COMELEC, nakapagtala na ng mahigit 1.3-M COC filers para sa BSKE

COMELEC, nakapagtala na ng mahigit 1.3-M COC filers para sa BSKE

National News

COMELEC, nakapagtala na ng mahigit 1.3-M COC filers para sa BSKE

Umabot na sa 1.3-M ang nakapaghain ng Certificates of Candidacy (COCs) para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Yan ay batay sa partial report ng Commission on Election (COMELEC).

Sa mahigit 1.3-M na naghain nang kandidatura, 94, 379 ang naghain ng COC para sa punong barangay at 710,629 naman sa pagka myembro nang sangguaniang brgy.

Habang 89,226 naman ang naghain para sa pagka SK chairman habang 471,999 para sa SK members.

Sa mga naghain ng kandidatura, 65.21% ay lalaki habang 34.79% ay babae.

Ang mga ito ay maglalaban laban para sa mahigit 672-K na posisyon sa brgy level.

Ang bilang na ito ay napakataas ayon sa COMELEC lalo pa’t hindi pa counted dito ang mga nakapaghain ng COC ngayong araw, September 4.

Mula sa Sept. 2 na deadline para sa COC filing ay inurong ito hanggang alas 5 ng hapon nang Lunes, Sept 4 para sa National Capital Region (NCR), Abra dahil sa sama ng panahon.

Pero ayon kay Chairman Garcia, wala nang extension para sa COC filing.

Samantala, irerekomenda ni COMELEC Chair George Garcia na isailalim sa COMELEC control ang Malabang, Lanao del Sur sa BSKE dahil sa insidente ng pagpaputok ng baril mula sa isang tauhan ng LGU official noong araw ng Biyernes, September 1.

Ang dahilan ng pagpaputok ay gusto raw mapigilan ang paghahain ng kandidatura doon.

Samantala, inanunsyo naman ni Garcia na papayagan nilang makapag boto sa BSKE ang mga rehistradong botante ng New Bilibid Prison (NBP).

Mula sa maximum at minimum compound, nasa mahigit 900 ang papayagang makaboto.

Continue Reading

More in National News

Latest News

To Top