Connect with us

Comelec, pinadalhan ng show cause order ang 3 lokal na kandidato

Comelec, pinadalhan ng show cause order ang 3 lokal na kandidato

National News

Comelec, pinadalhan ng show cause order ang 3 lokal na kandidato

3 lokal na kandidato para sa nalalapit na midterm elections ang pinadalhan ng show cause order ng Commission on Elections (COMELEC) dahil sa mga kontrobersyal nilang pahayag sa kanilang kampanya na posibleng lumabag sa mga patakaran ng komisyon kaugnay ng Anti-Discrimination and Fair Elections.

Isa na rito si Pasig Congressional candidate Atty. Christian “Ian” Sia, na pinadalhan ng show cause order dahil sa pagbibiro ukol sa mga single mothers.

Gayundin, tinanong ng COMELEC si Reelectionist Misamis Oriental Governor Peter Unabia sa pahayag nitong ang nursing ay para lamang sa mga babae at mga magaganda.

Samantala, si Mataas na Kahoy, Batangas Vice Mayor Jay Ilagan, na tumatakbo para sa posisyon ng gobernador, ay pinagmumulta rin dahil sa mga pahayag nitong hindi siya natatakot kay Vilma Santos at sa mga salitang “nahihipo” daw ang ibang mga gobernador.

Ayon kay COMELEC Chair Atty. George Garcia, ang mga pahayag na ito ay maaaring lumabag sa kanilang guidelines na nagsusulong ng makatarungan at pantay-pantay na halalan.

Binanggit din ni Garcia na hindi sapat ang paghingi ng tawad upang matigil ang anumang isyu ng bastos na pahayag laban sa mga tao o relihiyon, kaya’t irerekomenda niya ang pagkakaroon ng safe spaces sa mga kampanya, social media, voting precincts, at canvassing areas.

More in National News

Latest News

To Top