Connect with us

Comelec, prayoridad ang mga katutubo, PDL, matatanda at buntis sa kanilang voter registration

Comelec, prayoridad ang mga katutubo, PDL, matatanda at buntis sa kanilang voter registration

National News

Comelec, prayoridad ang mga katutubo, PDL, matatanda at buntis sa kanilang voter registration

Gustong maabot ng Commission on Election (Comelec) ang mga iba’t ibang klase ng botante sa ibat ibang lugar sa bansa.

Ayon kay Comelec Chair George Erwin Garcia, mahalaga na maabot ng kanilang voter registration ang mga katutubo, estudyante, mga PDL, matatanda, mga buntis at maging ang mga out of school youth.

Aniya, sa kabila ng kanilang kalagayan ay may boses ang mga ito sa lipunan.

Kamakailan lang ay pumunta ang komisyon sa Guimaras para abutin ang mga mag-aaral doon maging ang mga guro na hindi pa nakapagparehistro o nangangailangan ng reactivation.

Sa latest report ni Chairman Garcia ay umabot na sa 27-M ang mga nagparehistro simula noong Feb. 12.

Umaasa ito na bago pa ang September 30 na deadline ay nakuha na nila ang 30-M na target nila na mga bagong botante.

More in National News

Latest News

To Top