Connect with us

COMELEC, pumalag sa ipinakitang medical certificate ng kampo ni BBM

COMELEC, pumalag sa ipinakitang medical certificate ng kampo ni BBM

National News

COMELEC, pumalag sa ipinakitang medical certificate ng kampo ni BBM

Pumalag ang Commission on Elections (COMELEC) sa ipinakitang medical certificate ng kampo ni presidential aspirant Bongbong Marcos.

Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, bakit hindi nag-submit ng medical certificate ang kampo na may petsang January 06 kung itong araw na ito nagsimulang sumama ang pakiramdam ni Marcos.

Kasunod nito, ipinag-utos ni Guanzon sa doktor na nag-examine sa kalusugan ni BBM na ipa-notarize ang kanyang inirelease na medical certificate.

Dapat ilagay na rin ang kanyang medical license number dito.

Kahapon ng pormal nang sinagot ni Atty. Vic Rodriguez ang pagkabigo ni BBM na dumalo sa COMELEC hearing noong January 07.

Image

Sa kanyang statement, sinabi nitong masama na ang pakiramdam ni Marcos noong January 06 subalit pinaunlakan pa nito ang dalawang naka-schedule na interview sa nasabing araw.

Naniniwala si Rodriguez na ito ang dahilan kung bakit lalo pang sumama ang pakiramdam ni BBM.

Umaga ng January 07 nang pinayuhan si BBM na sumailalim sa isolation dahil mas lumala pa ang kondisyon nito.

More in National News

Latest News

To Top