Connect with us

COMELEC, umaapela ng tulong sa NBI hinggil sa “hacking”

National News

COMELEC, umaapela ng tulong sa NBI hinggil sa “hacking”

Umaapela ng tulong mula sa National Bureau of Investigation (NBI) ang Commission on Elections (COMELEC) hinggil sa umano’y hacking na nangyari sa kanila.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, agad nilang tinugunan ang nasabing apela at pinagalaw na nila ang cybercrime division at special project team ng NBI.

At bilang bahagi ng kanilang tugon, nagsagawa sila ng physical security inspection sa COMELEC facilities sa Laguna noong Sabado kasama ang mga representative ng Smartmatic at COMELEC.

May ilang dokumento naman na nai-turn over ang COMELEC sa NBI para sa validation at authentication.

Masusing imbestigasyon rin ang kasalukuang isinasagawa nila hinggil dito.

More in National News

Latest News

To Top