Connect with us

Comm. Guanzon, maaaring isailalim sa disciplinary action – Atty. Valera

Comm. Guanzon, maaaring isailalim sa disciplinary action - Atty. Valera

National News

Comm. Guanzon, maaaring isailalim sa disciplinary action – Atty. Valera

‘Unethical” at labag sa Sub Judice Rule ang sinabi ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon na may mga tao sa likod ng ‘unreasonable delay’ sa desisyon hinggil sa disqualification case ni presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ito ang naging pahayag ni Atty. Arnedo Valera sa panayam ng Sonshine Radio.

Maihahalintulad aniya ito sa ginawa ni Sec. Richard Gordon na kahit wala pang malinaw na desisyon ang korte ay iniuugnay na nito si Pangulong Rodrigo Duterte sa Pharmally Pharmaceutical Corp.

Aniya, nilalagyan ni Guanzon ng kontrobersiya ang isyu at ginagatungan pa.

Kinuwestyun din ni Atty. Valera kung ano ang intensyon ni Guanzon hinggil dito.

Kaugnay nito, maaaring isailalim sa disciplinary action si Comm. Guanzon dahil wala itong respeto sa kanyang komite dahil labag ito sa legal at moral responsibility.

More in National News

Latest News

To Top