Connect with us

Commanding General ng Philippine Army, inatasan ang Armor Division na panatilihin ang combat power ng Army

Commanding General ng Philippine Army, inatasan ang Armor Division na panatilihin ang combat power ng Army

National News

Commanding General ng Philippine Army, inatasan ang Armor Division na panatilihin ang combat power ng Army

Inatasan ni Army Commanding General Lt. Gen. Roy M. Galido ang tropa ng Armor Division na panatilihin ang combat power ng Philippine Army.

Ang nasabing pahayag ng opisyal ay kasabay ng pagdiriwang ng ika-48 anibersaryo ng pagkakatatag ng nasabing unit na ginanap sa Camp O’Donnell, Capas, Tarlac.

Sa kanyang talumpati binigyang-diin ng Army Chief ang kahalagahan ng tamang pagpapanatili ng mga defense assets ng Armor Division na mahalaga aniya sa unti-unting pagtungo ng Army sa territorial defense operations.

Nangako rin si Lt. Gen. Galido na ipapatupad ang mga polisiya na makakatulong sa pagpapanatili ng mga highly skilled manpower ng division na siyang nagmementena at nagpapatakbo ng mga defense assets ng Army.

More in National News

Latest News

To Top