Connect with us

Commissioner Garcia, nakaligpit na ng gamit sa COMELEC

Commissioner Garcia, nakaligpit na ng gamit sa COMELEC

National News

Commissioner Garcia, nakaligpit na ng gamit sa COMELEC

Tinatanggap ng maluwag sa kalooban ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner George Garcia ang hindi paglusot sa Commission on Appointments.

Ayon kay Garcia, Mayo 31 pa siya nag-empake ng gamit sa COMELEC dahil pinaghandaan na niya ang pag-bypass ng CA.

Aniya, nalulungkot siya ngunit nagpapasalamat pa rin sa pagkakataong makapagsilbi noong May 9 elections bilang COMELEC Commissioner

Sinabi ni Garcia na matatapos na ngayong araw, ika-1 ng Hunyo ang kanyang trabaho bilang COMELEC Commissioner matapos maby-pass ng CA dahil sa kakulangan ng quorum.

More in National News

Latest News

To Top