Connect with us

Committee report ni Gordon na dinadawit si PRRD, hindi pinirmahan ng ilang senador

Committee report ni Gordon na dinadawit si PRRD, hindi pinirmahan ng ilang senador

National News

Committee report ni Gordon na dinadawit si PRRD, hindi pinirmahan ng ilang senador

Huling araw na ng sesyon ngayon ng 18th Congress at hindi pinalad ang committee report ni Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na makalusot sa Mataas na Kapulungan.

Ang committee report ay hinggil sa 18 pagdinig na ginawa ng komite sa mga alegasyon ng overpricing sa COVID-19 pandemic deals ng Duterte Admin.

Kwestyunable din umano ang naging procurement process ng pamahalaan kasama ang Pharmally Pharmaceutical Corporation, PSDBM at DOH.

Sa committee report, naging rekomendasyon ni Gordon na makasuhan ng kriminal at administratibo ang Pharmally executives at dating opisyal ng PSDBM, maging si Health Sec. Duque.

Nakalagay din sa committee report na mayroong liability si Pang. Duterte sa mga anomalya kung saan maaari aniya itong makasuhan ng plunder.

Pero dahil hindi naman nakakuha ng sapat na suporta mula sa miyembro ng Blue Ribbon ay hindi nagawang makarating ng commitee report sa plenaryo ng Senado.

Kailangan kasi ito ng kahit 11 isang pirma mula sa mga miyembro bago mai-sponsor sa plenaryo pero 9 lamang ang na-secure nitong signature.

Ang pumirma lamang na mga senador ay sina Gordon, Lacson, Pacquiao, De Lima, Pimentel, Pangilinan, Drilon, Hontiveros at Sen. Ralph Recto.

Ayon kay Majority Floor Leader Migz Zubiri hindi sila pumirma sa committee report dahil sa pandadawit nito kay Pang. Duterte at kay Sec. Duque.

Si Sen. Imee Marcos, umayaw ding lumagda sa naturang report dahil wala aniyang merito ang ilang bahagi ng committee report.

“I think many senators are of the same position that we wanted an investigation but I think there were so many inclusions that we do not think were merited given the evidence available,” ani Sen. Imee.

Ilan pa sa mga hindi pumirma ay sina Grace Poe, Cynthia Villar, Lito Lapid, Revilla, Tolentino, Bong Go at Gatchalian.

Si Risa Hontiveros, naniniwala na maari pang umusad ang committee report sa susunod na kongreso.

“Definitely, any unfinished business ng isang patapos na Kongreso ay pwedeng-pwede pong bitbitin muli at tapusin, gaya ng nararapat ng susunod na Kongreso,” saad ni Hontiveros.

More in National News

Latest News

To Top