National News
Communist-Terrorist Groups materials sa UP, pinapatanggal ng CHED
Hinimok ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga opisyal ng University of the Philippines (UP-Diliman) na alisin na ang mga communist-terrorist groups (CTG) materials sa unibersidad.
Ayon sa CHED, tatlong state universities na ang nag-alis ng mga subersibong libro kabilang na dito ang Kalinga State University, Isabela State University at Aklan State University.
Ayon sa CHED itinurn-over ng mga paaralan ang mga libro sa Regional National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) at sa National Intelligence Coordinating Agency.
Ngunit nilinaw rin ng CHED na ang pag-aalis ng mga libro ay nasa desisyon pa rin ng Higher Education Institutions (HEIS) alinsunod sa ipinaiiral na academic freedom.
