COVID-19 UPDATES
Community checkpoints ng mga LGUs, dapat naaayon sa IATF guidelines – PNP
Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa mga local government units na dapat naka-align sa Inter-Agency Task Force (I-ATF) guidelines ang isinasagawa nitong community checkpoints.
Sa panayam ng Sonshine Radio kay PNP Lieutenant General Guillermo Eleazar, dahil umano sa mahigpit na community checkpoints na ginagawa ng mga LGUs sa lugar nila, naantala ang galaw ng mga frontliners pati na rin ang mga essential cargoes.
“Ang isa po kasing nakikita natin, dun po sa pagpapatupad ng ating mga checkpoints, or ating quarantine control points kung saan dahil sa kagustuhan ng ibang mga local government units no na bigyang proteksyon ang kanilang mga sinasakupan, naglalagay sila ng guidelines na mahigpit in contradiction dun sa Inter Agency guidelines.”
Binigyang-diin naman ni Eleazar na esensyal ang mga barangay o community checkpoints pero mas mainam na may police personnel dito na mamumuno.