National News
‘Commute challenge’ isang silly acceptance para kay Panelo
Tinanggap ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang hamon na mag-commute ito papuntang Malacañang kahit pa itinuturing nitong ‘silly’ o kahangalan.
Sinabi ni Panelo na silly acceptance para sa kaniya ang pagtanggap sa hamon ni Bayan secretary-general Renato Reyes.
Ayaw naman idetalye ni Panelo kung anong oras at saan siya magmumula sa kaniyang pag-commute patungong Malacañang.
Giit ni Panelo, hindi niya kailangang magsama ng media sa kaniyang pagko-commute dahil ayaw raw niya na maabala ang mga commuter.
Una nang sinabi ng grupong Bayan na dapat sa commute challenge ni Panelo ay hindi dapat ito magkaroon ng hawi boys, body guard, VIP treatment at gawin niya ito ng isang linggo.