National News
Comprehensive Education Reform Agenda (CERA), pinamamadaling ipasa sa kamara
Ipinananawagan ni ang agarang pagpasa sa apat na panukalang batas na bahagi ng kanyang Comprehensive Education Reform Agenda o CERA bilang tugon sa ulat ng DepEd na nasa 70,000 na grade-school pupils mula Bicol ang hindi marunong bumasa.
Ayon kay Salceda, maituturing na isang “economic ticking time bomb” ang naturang problema na kailangan ng agarang aksyon.
Paliwanag ng mambabatas, kung ang rate ng latent illiteracy ay magkakahalintulad sa lahat ng rehiyon, nasa 2% ng national income kada taon ang mawawala sa bansa oras na magsimulang magtrabaho ang mga mag-aaral na ito.
Tampok naman sa CERA ni Salceda ang House Bill No. 6231 (Teacher Empowerment Act), House Bill No. 6247 (K to 12 Reform Act) at House Bill No. 6287 (Meister Schools Act).
Bukod diyan ay isinusulong din ng kongresista na ngayon ay Chairman ng House Committee on Ways and Means ang pagsasabatas ng House Bill No. 6295 o Universal Free School Meals Program para sa mainam na kalinangan ng mga estudyante.
Bukod dito, nakatakda ring maghain ng panukala ang mambabatas para sa pagkakaroon ng remedial at after-school programs.
Sa huli, nagpahayag ng kumpiyansa si Salceda na mayroon pang sapat na panahon upang maihain ang lahat ng panukala para sa CERA bago matapos ang buwan ng Pebrero.