Connect with us

Condo unit na nauugnay sa PDEA leaks, kumpirmadong kay Maricel Soriano

Condo unit na nauugnay sa PDEA leaks, kumpirmadong kay Maricel Soriano

National News

Condo unit na nauugnay sa PDEA leaks, kumpirmadong kay Maricel Soriano

Inamin ni Maricel Soriano na sa kanya ang condo unit na nakasaad sa kontrobersyal na dokumento na nag-uugnay kay Pangulong Bongbong Marcos bilang isang dating cocaine user.

Ganito ang eksena sa harap mismo ng Senado ngayong araw ng Martes, Mayo 7.

Ang mga nagpo-protesta, kanya-kanyang bitbit ng placard.

Sigaw nila, mag-resign na si Pangulong Bongbong Marcos.

Ito rin ang parehong araw ng pag-iimbestiga ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs kaugnay sa PDEA Leaks o ‘yung sinasabing paglabas ng mga confidential document na nag-uugnay kay Marcos Jr. sa iligal na droga.

Pero kahit mainit ang kaganapan sa labas ng Senado ay tila malamig naman ang ulo ni Senador Bato Dela Rosa, chairman ng nasabing komite, kay Maricel Soriano na kasama umano ni Marcos Jr. na gumagamit ng umano’y cocaine batay sa dokumento ng PDEA.

Ipinatawag si Soriano sa pagdinig para ma-verify kung gaano ka-totoo ang kontrobersyal na dokumento.

Sa kanyang salaysay, bagamat itinanggi ng kilalang aktres na isa siyang cocaine user ay inamin naman niya na siya ang may-ari ng condo unit na nakasaad sa dokumento.

“May property ka ba sa rockwell? Ikaw ba ang nagmamay-ari ng unit 46-C Rizal Tower Building located at Rockwell, Brgy. Poblacion, Makati City?”

“Opo.”

“Sa’yo ‘yun?”

“Opo. Hanggang 2012 po. Nabenta ko na po ‘yun. Wala na ako dun,” ayon kay Actress Maricel Soriano.

Sa sumunod namang press briefing, sinabi ni Senador Dela Rosa, na ang ginawang pag-amin ni Soriano patungkol sa pagmamay-ari nito ng kontrobersyal na condo unit, ay nagpapatotoo sa PDEA leaks.

“That adds credence to the claim of Morales, na siya talaga ang gumawa noon at tama ang ginawa niya dahil inamin naman ni Maricel. Si Maricel ang subject doon at si Politician Bongbong Marcos. Dalawa sila subject doon. Tapos ang address, ‘yung unit is the same unit, at inaamin ni Maricel na sa kanya ang unit na ‘yun. That gives credence to the pre-ops na ginawa ni Morales,” saad ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.

Kaugnay nito ay humingi naman ng paumanhin ang senador kung bakit hindi na niya tinuloy-tuloy pa ang pag-usisa sa aktres na aniya ay nanginginig na.

“Forgive me kung tingin niyo ‘di ko masyadong nadidikdik si Maricel Soriano kasi ang hirap…, nanginginig siya pagdating. Baka mamaya ‘pag diniinan ko ang questioning at hinimatay sa hearing natin what will that make of me?” ani Bato.

Sa huli ay ipinunto ni Sen. Bato na hindi niya tutumbukin sa kanyang pagdinig ang umano’y paggamit ng iligal na droga ni Soriano at Marcos Jr. paliwanag niya na nakasentro ang imbestigasyon in aid of legislation sa kung papaano higpitan ang pangangalaga sa mga dokumento para maiwasan ang leakage ng mga sensitibo at confidential na impormasyon.

Ayon kay Senador Bato, magpapatuloy pa ang imbestigasyon dahil sa mayroon pa silang mga pinatatawag na mga resource person. Kabilang nga dito ang dating executive secretary ng PNoy administration na si Paquito Ochoa.

More in National News

Latest News

To Top