Connect with us

Confidential fund na binigay kay VP Sara, patibong lang – Int’l relations scholar

Mga paaralan sa Tawi-Tawi, binigyan ng OVP PagbaBAGo BAGS

National News

Confidential fund na binigay kay VP Sara, patibong lang – Int’l relations scholar

Tahasan nang itinanggi ng mga mambabatas sa kongreso na may nilulutong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Pero sa kabila nito, hindi naman na nakapagtataka pa kung gagawin ito ng Marcos Administration para dungisan ang pangalan ng ikalawang pangulo nang sa gayo’y magmukha itong masama sa publiko.

Sa panayam ng SMNI news sa isang international relations scholar na si Ms. Sass Rogando Sasot ang ginagawang pambabatikos ng Marcos administration kay VP Sara na wala namang dahilan ay bilang paghahanda sa susunod na presidential elections.

Ani Sass Rogando Sasot, “Kasi nakikita nila na ang taas-taas parin ni madame Vice President Inday Sara kahit sa kanila nang binabato sa kanya na mga kontrobersiya hindi ba nong huling balita ng Manila Times kahit bumaba na raw ang rating ni VP Inday Sara siya parin ang top 1 choice president ng mga Filipino of course.”

Sinabi pa nito na kung ano ang ginawa noon kay dating Vice President Binay ay siya ring ginagawa ngayon kay VP Sara dahil sa taas ng trust ratings at popularidad nito.

“This is like what happened to former Vice President Binay alam naman ng lahat noong 2010 noong nanalo si Benigno Aquino III at si Binay bilang president ay vice president everyone is thinking that Binay would be the next president because of the popularity etc.

“So anong ginawa nila noon kay Binay? Hindi ba nag raise sila ng iba’t ibang controversial and then eventually itong mga controversy hindi naman ito nag bunga hindi naman nakulong si former Vice President Binay at sino ‘yong mga gumawa noon kay Binay?

“Hindi ba sila din ngayon ang umaatake kay Vice President Inday Sara.”

Binigyang diin pa nito na nag-ugat ang lahat ng pambabatikos sa mga Duterte matapos na hanapan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng libro o resibo ang Kamara para malaman kung saan nila ginagastos ang pera ng taong bayan.

“Ngayon itong impeachment nila parang pikon na pikon itong mga kongresista natin d’on sa sinasabi ni Inday Sara ano bakit ba kayo pikon na pikon?

“Napikon na pikon ba kayo dahil sinabihan kayo ng dating Pangulong Duterte na ilabas ninyo ang libro ng Kongreso para makita ng taong bayan kung saan ninyo ginagastos ang pera nila mula sa huling centavo diyan naman nag-ugat lahat ng hinanakit ninyo sa mga Duterte ngayon.”

Ayon pa kay Sasot, kung talagang may anomalya sa confidential fund ng bise presidente, bakit hindi muna kwestyunin ng kongreso ang tanggapan ni Marcos Jr.? dahil una sa lahat ito naman ang nag-apruba sa nasabing pondo.

Ngunit hindi ito ginagawa ni Romualdez dahil malinaw na ang confidential fund ay isang patibong kay VP Sara.

 “Anong ginawa nila kay Inday Sara diba?

“From the moment na umupo sila una nakikipag-plastikan pa kayo tapos bigla palang the next year wala pang isang taon kung ano-ano na ang pinag-gagawa ninyo sa kanya. Itong confidential funds na to eh patibong to ng Office of the President eh.

“Hindi naman ‘yon magkakaroon ng transfer kung hindi naman ito pinayagan ng Office of the President kung hindi naman ba’t hindi tinitira ni Martin Rumualdez ‘yong pinsan niya,” saad ni Sasot .

More in National News

Latest News

To Top