Connect with us

Confidential funds, malaking bagay laban sa NPA recruitment sa mga paaralan – Dating Pang. Duterte

Confidential funds, malaking bagay laban sa NPA recruitment sa mga paaralan – Dating Pang. Duterte

National News

Confidential funds, malaking bagay laban sa NPA recruitment sa mga paaralan – Dating Pang. Duterte

Sa kaniyang programang Gikan sa Masa, Para sa Masa, sinagot ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang isyu patungkol sa confidential funds na hinihingi ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).

Para kay Pangulong Duterte malaking bagay ang pagkakaroon ng confidential funds laban sa New People’s Army (NPA) recruitment sa mga kabataan partikular na sa mga estudyante.

“Kasi kung ako presidente bigyan ko ‘yung creeping ano sa mga komunista, sa mga estudyante, malaking bagay ‘yan actually. Walang specific area dito sa intelligence na nakatutok diyan sa estudyante. ‘Yung pagpasok ng mga left or the Communist Party of the Philippines in recruiting students, kita mo maraming mga bata, ang masakit pa dito, the tragedy of it all is ‘yung mga taga-UP na pumasok doon mga valedictorians karamihan diyan, salutatorians, valedictorians, ’yun ‘yung brilliant ng mga bata, mga anak natin na kumuha.”

“But para sa akin, mababasa ko ‘yung, the purpose really to stop the intrusion of the left into the student body, diyan nakukuha ‘yung mga lider, nakita mo ‘yung mga lider nila ang babata, ‘yun pa ang pinaka matindi, matanda sila, karamihan mga UP,” ayon kay former President Rodrigo Roa Duterte.

Paliwanag ng dating pangulo na mahalaga ang confidential fund para tutukan ang NPA recruitment na nangyayari sa mga paaralan partikular na sa high school at sa kolehiyo.

“Ibigay ‘yan doon sa mga principal o mga superintendent or whatever, but titingnan nila san ‘yung recruitment banda, you need a special money for that, ‘yung budget ng office of the president, nakalista lahat ‘yan eh, every is accounted for. But the office of the vice president is not given police power. But in so far as the interest of the young people is concerned, if it is really the purpose of the vice president to stop or at least minimize ‘yung laging inuudyok ‘yung mga anak natin sa left to dito. Hindi naman ‘yan para sa mga kindergarten eh, hindi ‘yan gagamitin sa kindergarten, high school pati college,” dagdag pa ng dating pangulo.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte na napakaliit lang ng hinihinging confidential funds ng OVP at ng DepEd.

At kung si Pangulong Duterte ang tatanungin kung magkano ang confidential funds na kaniyang hihingiin at saan gagamitin, narito ang kaniyang ibinahagi.

“At saka maliit ‘yan Pastor kung ako ang mag ano, I would ask for about 500 million. Ibigay ko ‘yan sa mga ROTC program, mga PMT ‘yung sa high school, ibigay ko ‘yan diyan sa mga supervisor, sa mga superintendent, ilista mo ‘yan at pagkatapos ibigay mo doon sa COA, then COA will examine o dito superintendent nabigyan ba ‘yan?, check. Natanggap mo ba? Check. Si Principal ganun,” ani dating Pangulong Duterte.

Paliwanag pa ng dating pangulo na may guidelines ang paggastos ng confidential funds.

“Tingnan mo ‘yang confidential funds na you spend the money as if it is really your own, it’s not that. There are always guidelines, there are instructions to be followed. Mababara ka diyan pagka liquidate mo wala kang ano, sabihin mo lang ginastos mo ng ganun, notice of disallowance ‘yan, ibig sabihin COA Commission on Audit would not find it a plausible reason or purpose of using public fund,” sa pahayag pa nito.

Una nang ipinaliwanag ni Vice President Sara Duterte noon ang pangangailangan ng DepEd ng confidential fund.

Punto ng pangalawang pangulo kung bakit mahalaga ang confidential fund ay dahil ang edukasyon ng mga kabataan aniya ay may kinalaman din sa national security.

Ayon sa pangalawang pangulo na ang bahagi ng nasabing pondo ay gagamitin laban sa mga iligal na gawain na pumupuntirya sa mga estudyante.

Halimbawa na lamang ng mga ito ay ang sexual grooming at sexual abuse sa mga paaralan, recruitment sa terorismo, at pag-abuso sa iligal na droga.

More in National News

Latest News

To Top