COVID-19 UPDATES
Confirmed COVID-19 cases sa Laguna, umabot na sa 54
Umabot na sa 54 ang kumpirmadong Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) cases sa Laguna.
Ayon sa Laguna City Government, sa nasabing bilang, 5 dito ay nasawi habang 3 naman ang gumaling.
?????-?? ?????? | As of 01 April 2020 #KayaNgSantaRosaLabananAngCorona#COVID19#LabananAngCovid#SerbisyongMakataoLungsodNaMakabago#SerbisyongWAGAS#CityofSantaRosaLaguna
Posted by City Government of Santa Rosa, Laguna on Tuesday, 31 March 2020
Naitala ang pinakamaraming kaso ng sakit sa Santa Rosa na may 13 na sinundan ng San Pedro na may 10, Binan na may 8 at 8 sa Calamba.
3 ang naitala sa Cabuyao, 3 sa Los Banos, 2 sa Majayjay, at tig-iisa sa Alaminos, Bay, Lumban, Nagcarlan, Pila, San Pablo at Victoria.
Bukod dito, mayroon ding 821 na patients under investigation (PUI) at 5,644 na person under monitoring (PUM) sa buong probinsya ng Laguna.