COVID-19 UPDATES
Confirmed COVID-19 cases sa QC, umabot na sa 583
Umabot na sa 583 ang nagpositibong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Quezon City batay sa Department of Health (DOH).
Ayon sa QC Government, 557 sa confirmed cases ang may kumpletong address sa lungsod habang nasa 469 naman ang kumpirmado na ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU).
Nasa 34 naman ang nasawi at 15 ang nakarekober sa sakit.
Mayroon ding 85 na patients under investigation (PUI) at 485 na patients under monitoring (PUM) ang lungsod.
Samantala, ipatutupad na rin ang extreme enhanced community quarantine sa Barangay Manresa, Paltok, Sto. Domingo, Bagong Silangan, Holy Spirit, Payatas, Marilag, Socorro, Kamuning, Pinyahan, at San Isidro.
Dahil dito, nasa 29 na ang mga barangay sa Quezon City ang isinailalim sa extreme enhanced community quarantine.
