Connect with us

Cong. Marcoleta, ipinanawagan ang closure sa mga violation ng ABS-CBN

Cong. Marcoleta, ipinanawagan ang closure sa mga violation ng ABS-CBN

National News

Cong. Marcoleta, ipinanawagan ang closure sa mga violation ng ABS-CBN

Dapat magkaroon muna ng closure sa mga violations ng ABS-CBN bago ito mabigyan ng anumang panibagong uri ng oportunidad para makapag-broadcast.

“Ang atin lamang punto dito ay matingnan namang mabuti ang ano nabang nangyari sa imbestigasyon na ‘yun nagkaroon na ba ng closure ‘yan? Ngayon ay lantaran na silang nakikipag-arrange kung anumang arrangement ang ginagawa sa iba’t ibang mga networks oh kalimutan na natin ang mga nangyari noon business as usual,” ani Cong. Marcoleta.

Ito ang ipinanawagan ni Sagip Party List Rep. Rodante Marcoleta sa panayam ng Sonshine Radio kasunod sa ulat ng pakikipag-merge nito sa TV5.

Nilinaw naman ni Cong. Marcoleta na wala siyang personal na galit sa nasabing network.

Layunin lang aniya nito ang mabigyang hustisya ang mga natukoy na paglabag ng ABS-CBN na kung pagsama-samahin ay nagkakahalaga ng P1.6 trillion.

Isa ang National Telecommunications Commission (NTC) sa mga nais ni Marcoleta na umaksyon lalo pa’t may panuntunan ito na ipagpaalam muna sa kanila ang anumang set-up na may kaugnayan sa broadcast.

Kung matatandaan, naging blocktimer ng Zoe TV ang ABS-CBN.

Halos lahat ng programa ng ABS-CBN ay ipinapakita sa Zoe TV at halatang labag sa panuntunan ng NTC na nagbabawal sa blocktimers ng air time na 50% sa isang tv network.

More in National News

Latest News

To Top