Connect with us

Cong. Paolo Duterte, muling nagpa-hair follicle drug test

Cong. Paolo Duterte, muling nagpa-hair follicle drug test

National News

Cong. Paolo Duterte, muling nagpa-hair follicle drug test

Sumailalim muli sa hair follicle drug test si Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte, araw ng Miyerkules, Oktubre 23, 2024 sa Mandaluyong City.

Kasunod ito sa hamon ng kaniyang kapatid na si Vice President Sara Duterte para sa mga kumakandidatong kongresista sa 2025 midterm elections.

Nagpa-drug test na rin sa Davao City ang makakalaban ni Cong. Pulong bilang representante ng 1st District na si Migs Nograles ng PBA Party-list.

Iyan ay matapos rin siyang hamunin ng batang Duterte.

Ikatlong beses nang nagpa-hair follicle drug test si Cong. Pulong at una rito ay noong hinamon siya ni dating Senador Sonny Trillanes.

Ang ikalawa ay nitong Agosto matapos siyang maghain ng panukalang batas kaugnay sa mandatory drug testing para sa mga opisyal ng gobyerno.

Sa tingin naman ni Cong. Pulong, may mga kongresistang hindi kakasa sa hamon ni VP Sara. “Sa tingin ko, sa tingin ko, alam niyo na ‘yung sagot.”

Sa kabilang banda, may sagot ang kongresista kaugnay sa kaliwa’t kanang akusasyon ng ilang mambabatas laban sa kanyang kapatid na si VP Sara. “Normal iyan. Kami ang kalaban ng administrasyon ngayon. So, syempre, sino ba ‘yung nag-cocomment? Diba? Syempre ‘yung mga kaalyado nila.”

Kaugnay naman sa kanilang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, tututukan daw nito ang pangangampanya bilang mayoralty candidate sa Davao City.

Makakalaban ni FPRRD sa 2025 midterm elections bilang Mayor ng lungsod ang dating miyembro ng kaniyang gabinete na si Karlo Nograles.

Patungkol sa nagpapatuloy na quadcom hearing  sa war on drugs ng administrasyong Duterte, may pabirong patama ang kongresista laban dito. Gusto niyo malaman kung magkano sila per hearing? Huwag na. Joke lang ‘yun.”

Samantala, matatandaan na sinabi ni VP Sara na tatakbo ang tatlong Duterte sa pagka-senador pero ni isa ay walang naghain ng kanilang certificate of candidacy (COC) para sa naturang pwesto.

Ani Cong. Pulong dito, “Sabi niya ‘yun, eh. Wala talaga sa plano ko (mag-senador) kasi may isang term pa ako as congressman. Ever since na pumasok ako sa politika, hanggang two terms lang ako. So, ‘yun nga, sabi nga ng mama ko, tapusin ko ‘yung term sa congressman.”

 

More in National News

Latest News

To Top