Connect with us

Congressman-elect ng Kabataan Party-list, sasampahan ng libel case

Congressman-elect ng Kabataan Party-list, sasampahan ng libel case

National News

Congressman-elect ng Kabataan Party-list, sasampahan ng libel case

Sasampahan ni Duterte Youth Rep. Marie Cardema ng libel case si Kabataan Party-list Representative-elect Raoul Manuel.

No description available.

Ayon kay Cardema, libelous ang laman ng press release ni Manuel laban sa asawa nitong si National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema.

Kinuwestyon raw kasi ni Manuel ang pagiging ninong sa kasal ni President-elect Bongbong Marcos kay Cardema.

At ‘libelous’ aniya ang tanong ni Manuel kung ‘poprotektahan ba ni Marcos Jr. si Cardema at i-appoint uli bilang NYC Chair?’

Para kay Cardema, mali ang paratang ni Manuel dahil may 3-year fixed term sa NYC ang kanyang asawa o hanggang 2025 dahil January 17, 2022 lamang ito na-appoint sa pwesto.

Kilala naman ang lalaking Cardema bilang kalaban ng Kabataan Party-list na kabilang sa pinangalanan ni Pangulong Duterte bilang legal front ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) .

More in National News

Latest News

To Top