Connect with us

Contact tracing sa mga nakasalamuha ng 3 COVID-19 patients sa QC, natapos na

Ipatutupad na mga hakbang ng QC laban sa COVID-19, kasado na

Metro News

Contact tracing sa mga nakasalamuha ng 3 COVID-19 patients sa QC, natapos na

Natapos na ang contact tracing ng Quezon City Health Department at iba pang concerned offices sa mga taong nakasalamuha ng 3 Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) patients sa lungsod.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, naipadala na ang samples ng lahat ng households contacts ng mga pasyente sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para suriin.

Hinimok din ng alkalde ang mga residente ng lungsod na huwag magpanic dahil kontrolado pa sa ngayon ang sitwasyon.

Siniguro rin nito sa lahat na may sapat na suplay ng Personal Protection Equipment (PPE), masks, sanitizer at iba pang kinakailangang kagamitan laban sa sakit ang lungsod.

Samantala, inihayag ni Belmonte na walang taga-QC ang kasama sa 9 na nadagdag na kumpimradong kaso ng COVID-19 sa bansa.

More in Metro News

Latest News

To Top