Connect with us

Convoy diumano ni PNP Chief Marbil, dumaan sa EDSA busway; Hinarang

Convoy diumano ni PNP Chief Marbil, dumaan sa EDSA busway; hinarang

National News

Convoy diumano ni PNP Chief Marbil, dumaan sa EDSA busway; Hinarang

Hinarang ang sinasabing convoy ni PNP Chief Rommel Francisco Marbil matapos dumaan sa EDSA Busway nang walang paalam at koordinasyon, partikular sa bahagi ng Ortigas Station, Northbound Carousel, bandang alas-sais ng gabi, Pebrero 25, 2025.

Sa kuhang video ng Team GOLF SAICT, makikita ang motorsiklo ng Highway Patrol Group (HPG) at dalawang SUV—isang puting Toyota Innova (plate number SAB 5964) at isang puting Toyota Fortuner (plate number NIE 9582)—na dumaan sa bus lane.

Sa naturang video, maririnig rin ang pakikipagtalo ng isa sa mga sakay ng convoy sa isang tauhan ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation o SAICT habang ipinaliliwanag ang paglabag.

Bigong matiketan ang dalawang SUV matapos itong biglang humarurot paalis, anila’y dahil sa isang emergency sa Kampo Crame.

Ilang minuto ang lumipas, bumalik ang isang Fortuner at tiniketan, ngunit napag-alamang hindi ito kabilang sa orihinal na convoy na hinarang.

Sa ngayon, wala pang pahayag ang PNP kaugnay ng insidente.

More in National News

Latest News

To Top