International News
Coronavirus, umabot na sa bansang Brazil
Napag-alamang ang kinakatakutang sakit na Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay umabot na sa bansang Brazil.
Ayon sa Ministry of Health, tinatayang umabot na sa 25 tao ang kumpirmadong apektado ng COVID-19 sa bansa
Sa ipinalabas na update ng ahensya, tinatayang may 6 na estado sa bansa ang may naitalang kaso:
- Sao Paulo (16 kaso),
- Rio De Janeiro (3 kaso),
- Bahia (2 kaso),
- Espiritu Santo (1 kaso),
- Minas Gerais (1 kaso),
- Alagoas (1 kaso)
- Federal District (1 kaso)
Ipinatupad ng Ministry of Health sa bansa ang dobleng pag-iingat at pagmomonitor kasunod ng biglang pagtaas ng mga apektado ng nasabing virus.
Sa nakalipas na mga araw, nakitaan ng local transmission record ang 2 estado ng Sao Paulo at Bahia, ibig sabihin ay wala silang travel history sa mga apektadong bansa sa halip ay nakuha nila ito sa pakikisalamuha sa apektadong pasyente.
Kaya paalala ng Ministry of Health sa publiko na doblehin ang pag-iingat gaya ng pagsunod sa mga alituntunin gaya na lamang ng tamang paghugas ng kamay gamit ang sabon o ang paggamit ng alcohol, pagtatakip ng ilong at bibig sa tuwing babahing o uubo, iwasang pumunta sa mga matataong lugar, panatilihing well-ventilated ang mga kwarto at iwasan ang pagpapagamit ng mga personal na bagay sa ibang tao.
Matatandaang noong Pebrero 26, 2020 ay naitala ang pinakaunang kaso ng Coronavirus sa Brazil mula sa isang 61-year old na lalake matapos nitong magtungo sa Lombardy Italy, para sa isang business trip kung saan niya nakuha ang nasabing virus.
Samantalang, Lombardy naman ang naging epicenter ng outbreak sa bansang Italy na may naitalang daan-daang kaso at pagkamatay nang dahil sa nasabing virus.
