COVID-19 UPDATES
COVID-19 cases sa Pilipinas, halos 7,000 na
Halos 7,000 na ang bilang ng mga nagkakasakit ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Batay sa huling update ng Department of Health (DOH), as of 4pm ngayong araw, umabot na sa 6,981 ang bilang ng mga nagpositibo sa nakamamatay na virus kung saan 271 ang panibagong nadagdag.
Patuloy naman ang bilang ng mga gumagaling sa sakit na umabot na sa 722 ang kabuoang bilang na may 29 na bagong naidagdag.
Nadagdagan naman ng 16 ang bilang ng mga nasawi kung saan nasa 462 na ang kabuoan mga namatay.