COVID-19 UPDATES
Mga pulis na nagpositibo sa COVID-19, umabot na sa 50
Umabot na sa 50 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito ay ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, kung saan 21 pulis ang nadagdag kahapon mula sa Metro Manila.
Sa ulat batay sa PNP Health Service sa pamumuno ni Police Brigadier General Herminio Tadeo Jr., 4 na pulis na ang gumaling at na-discharge sa ospital para sa kabuuang 8 recovery ng PNP.
Samantala, nasa 253 na ang probable person under investigation (PUIs) at umabot na sa 347 ang suspected PUIs sa pwersa ng kapulisan.