Connect with us

COVID-19 crisis sa bansa, posibleng umabot pa sa susunod na taon – DOH

COVID-19 crisis sa bansa, posibleng umabot pa sa susunod na taon - DOH

COVID-19 UPDATES

COVID-19 crisis sa bansa, posibleng umabot pa sa susunod na taon – DOH

Nagbabala ang Department of Health (DOH) na posibleng aabot hanggang sa susunod na taon ang krisis dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito ang inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kung saan posibleng hanggang sa Enero 2021 pa ang nararanasang COVID-19 crisis base na rin sa pag-aaral ng mga scientists at mathematicians.

Ang estimated timeline range, ani Vergeire, ay mangyayari kung walang gagawing intervention para sa maiwasan ang paglaganap ng virus.

“Ang ating mga estimation galing po ‘yan sa ating mga scientist, sa mga mathematician. Nagkaroon po tayo ng 3 modeling estimates na ginawa kung saan ang timeline ranged from hanggang third quarter of the year and maybe worst case scenario base sa kanilang pag-aaral ay next year po ng January.

Sinabi pa ng health official na may posibilidad ding aabutin ng isa hanggang 1 at kalahating taon pa bago ma-develop ang bakuna para sa COVID-19 at maipakalat sa publiko.

Kung kaya, ayon sa DOH, importante na ipatupad ang mga preventive measures na siya ring ginagawa sa ibang bansa tulad ng social distancing, pag-iwas sa mga pagtitipon-tipon at madalas na paghuhugas ng mga kamay.

Matatandaang inihayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na malaki ang tsansa na lumala pa ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa kung hindi isinailalim ni  Pangulong Rodrigo Duterte sa  enhanced community quarantine ang buong Luzon.

 

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top