COVID-19 UPDATES
COVID-19, isa nang pandemic – WHO
Idineklara na ng World Health Organization (WHO) na isa nang pandemic ang coronavirus disease (COVID-19) outbreak.
Ayon kay WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus, labis na silang nababahala sa pagdami ng mga nadadapuan ng virus.
Aniya, nakakaalarma na ang patuloy na pagdami ng mga pasyente na tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo.
“WHO has been assessing this outbreak around the clock and we are deeply concerned both by the alarming levels of spread and severity, and by the alarming levels of inaction,” sabi ni Ghebreyesus.
Dahil sa patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nadadapuan sa buong mundo ay isa na itong pandemic.
Paliwanag ng WHO, kapag nasa pandemic na ang isang bagay ay maituturing na kumakalat na ito sa buong mundo at hindi na ito mapipigilan pa.
“Pandemic is not a word to use lightly or carelessly. It is a word that, if misused, can cause unreasonable fear, or unjustified acceptance that the fight is over, leading to unnecessary suffering and death,” dagdag pa ni Ghebreyesus.
