COVID-19 UPDATES
COVID-19 mass testing sa Valenzuela City, matatapos na sa Sabado
Tiwala ang Valenzuela City Government na bago matapos ang linggong ito ay nai-test na ang kanilang 537 suspected cases.
Ito ay matapos madagdagan pa ang kanilang laboratory partner sa pagproseso ng mga swab test bukod pa sa The Medical City na kayang magproseso ng 25 slots.
Kanina lamang ay nilagdaan ng city govt ang memorandum of agreement kasama ang Detoxicare Molecular Laboratory Inc. na maaring makapagproseso ng 90 slots mula sa Valenzuela City.
Sa kada araw ay maari ng maproseso ang 115 slots para sa mga suspected cases sa lungsod.
Sa susunod na linggo ay mga frontliners at healthworkers naman ang isasalang sa localized mass testing ng Valenzuela City