Connect with us

COVID-19, nananatiling ‘top threat’ maliban pa sa NPA at mga terorista – Pang. Duterte

Pang. Duterte, nanawagan sa publiko na 'wag iboto ang Makabayan party-list group

National News

COVID-19, nananatiling ‘top threat’ maliban pa sa NPA at mga terorista – Pang. Duterte

Nananatiling ‘top threat’ ang COVID-19 pandemic sa mga Pilipino maliban pa sa New People’s Army (NPA) at mga terorista.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the People Address nitong Lunes ng gabi.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag kasunod ng naitalang mahigit 37,000 new COVID-19 infections.

Inilarawan pa ng Punong Ehekutibo ang COVID 19 bilang nakamamatay na sakit na siyang ikinababahala nito sa mga susunod pang buwan.

Aminado si Pangulong Duterte na nananatiling nakatutok ang gobyerno sa mga hakbang na gagawin sa gitna ng pagsipa ng coronavirus cases dala ng ‘highly transmissible’ Omicron variant ng COVID-19.

More in National News

Latest News

To Top