Connect with us

COVID-19 patient na naka-confine sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, hindi taga-Caloocan City

COVID-19 patient na naka-confine sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, hindi taga-Caloocan City

Metro News

COVID-19 patient na naka-confine sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, hindi taga-Caloocan City

Mariing nilinaw ni Caloocan 1st District Representative Cong. Along Malapitan na hindi residente ng Caloocan ang naka-confine sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa facebook post ni Malapitan, inihayag nito na taga-San Jose Del Monte Bulacan ang maituturing na patient 21 na isa sa 33 idineklara ng Department of Health (DOH) kahapon, Marso 11.

Nakasaad pa sa post na ang 58 year old patient ay nagtratrabaho sa Greenhills Shopping Center sa San Juan City.

Base sa kanilang imbestigasyon, lumalabas na wala namang record ng foreign travel si patient 21.

Sa ngayon ay may 3 pang patients under investigation sa naturang ospital at ang 2 dito ay pawang nagtratrabaho rin sa Greenhills.

Mayroon ding naitalang persons under monitoring ang naturang ospital na ngayon ay mga naka-confined na.

Sa huli, nanawagan si Cong. Malapitan sa publiko na magkaroon ng proper hygiene at sundin ang anumang iniuutos na protocol ng DOH.

More in Metro News

Latest News

To Top